Huwebes, Setyembre 26, 2013

Filipino 3rd Year


(Ang sumusunod na mga aralin ay matatagpuan sa aklat na Pluma III)

1.   Pananaw Imahismo at Pagtatalumpati- ph.136-139
2.   Dahil sa Anak- ph. 145-153
3.   Pananaw Klasisismo- ph. 158-159
4.   Dekada’70- ph. 167-175
5.   Pananaw Realismo at Paningin sa Kuwento- ph. 179-180
6.   Si Ama- ph. 187-193
7.   Pananaw Eksistensiyalismo- ph.198-199

PANGUNGUSAP
Ø  Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang nagsasaad ng buong diwa.

Bahagi ng Pangungusap
a.    Simuno o Paksa-  ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Ang simuno ay payak kung ito ay basal  at buo kung isinasama ang lahat ng mga salitang tumutulong sa simuno.
Halimbawa:
Payak na simuno
Ang batang nakapulang kamiseta ay anak ng isang OFW.
Ang batang nakapulang kamiseta ay anak ng isang OFW.
Buong simuno

b.    Panaguri- ang bahaging nagsasabing tungkol sa simuno,maari rin itong payakobuong panaguri.
Halimbawa:
Tumakbo nang mabilis ang batang nakapulang kamiseta.
Payak na panaguri
Tumakbo nang mabilis ang batang nakapulang kamiseta.
Buong panaguri

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
a.    Paturol o Pasalaysay-  nagsasaad ito ng isang pahayag. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.).
Halimbawa:
          Pinakahihintay niya ang araw na ito.
b.    Patanong- nagsasaad ito ng tanong. Gumagamit ng bantas na tandang pananong (?).
Halimbawa:
          Paano nga ba maipaliliwanag ang nararamdaman niya?
c.    Pautos o Pakiusap-  ginagamit sa pagpapagawao pakikiusap na ipagawa ang isang bagay. Ginagamitan ito ng tuldok (.). Pwede ring gamitan ng tandang pananong (?).
Halimbawa:
          Pakisabi nalang sa bata na humahanga ako sa kanya.
          Maari mo bang hingin ang numero ng kanyang telepono?
d.   Padamdam- nagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng tuwa, galit, poot, sakit, atb. Ginagamitan ito ng bantas na tandang padamdam (!).
Halimbawa:
          Naku baka mahulog siya sa hagdan!

Uri ng Pangungusap Ayon sa Pagkakabuo o Kayarian
1.   PAYAK- pangungusap na nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan lamang. Ito’y maaring magtaglay ng payak o tambalang simuno o panaguri.
Halimbawa:
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Ang ama at ina ang gumagabay at umaaruga sa kanilang mga anak.
2.   TAMBALAN- pangungusap na  nagpapahayag ng dalawang kaisipan at pinag-uugnay ng mga pangatnig na at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit.
Halimbawa:
 Ang ama ang haligi ng tahanan  at ang ina naman ang ilaw.
                   Unang kaisipan                         ikalawang kaisipan
3.   HUGNAYAN-  pangungusap na binubuo ng isang punong kaisipan (sugnay na makapag-iisa) at isa pang katulong na kaisipan (sugnay na di-makapag-iisa).
-Pinag-uugnay ito ng pangatnig na kung, nang,bago, upang, kapag,sapagkat.
-Kakikitaan ito ng relasyong sanhi at bunga.
Halimbawa:
Maraming mga magulang ang umaalis ng bansa,
          Sugnay na makapag-iisa
upang paghandaan ang kinabukasan ng kanilang anak.
            Sugnay na di-makapag-iisa

4.   LANGKAPAN- pangungusap na binubuo ng ng dalawang punong kaisipan (sugnay na makapag-iisa) at isa pang katulong na kaisipan (sugnay na di-makapag-iisa).
Halimbawa:
 Ipagmalaki natin ang mga OFW at atin silang pasalamatan
            Sugnay na makapag-iisa                         sugnay na makapag-iisa

Dahil sa malaking tulong at karangalang dulot nila sa bansa.
            Sugnay na di-makapag-iisa

Uri ng Paksa

1.   Paksang Pangngalan
Halimbawa:
 Sa hirap ng buhay ngayon, nalulugi ang mga negosyante.
2.   Paksang Pang-uri
Halimbawa: 
Labis kung makatawad ang mga barat.
3.   Paksang Pandiwa
Halimbawa:
Tumutubo nang malaki ang mga naglalako.
4.   Paksang Panghalip
Halimbawa:
 Nagbabalak siyang magpundar ng maliit na negosyo.
5.   Paksang Pawatas
Halimbawa:
 Hindi biro ang magnegosyo.
6.   Paksang Pang-abay
Halimbawa:
May pangako sa iyo ang bukas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento