Miyerkules, Setyembre 25, 2013

filipino 4th year lesson

Kayarian ng SAlita

1. Payak : Kung ito ay isang salitang-ugat lamang
halimbawa: 
  • asin
  • bunga
  • balak
  • kulay 
2.  Maylapi: Kung binubuo ito ng salitng-ugat at panlaping makangalan.
halimbawa:

  • kaklase
  • kabuhayan
  • pagbasa
  • dinuguan
IBA'T IBANG URI NG MAYLAPI
  1. Unlapi - ang panlapi ay nasa unahan ng salitang-ugat.
  2. Gitlapi - ang panlapi ay nasa gitna ng salitang-ugat.
  3. Hulapi - ang panlapi ay makikita sa hulihan ng salitang-ugat.
  4. kabilaan - ang panlapi ay nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
  5.  Laguhan - ang panlapi ay nasa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat
3.  Inuulit: Kung ang kabuuan nito o bahagi nito ay inuulit.

Dalawang Paraan ng Pag-uulit
  • Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal ay yaong bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit.
halimbawa:
  • bali-balita
  • dala-dalawa
  • bali-baligtad

  •  Pag-uulit na Ganap: Pag-uulit sa buong salita.
halimbawa:
  •  sabay-sabay
  • buhay-buhay
  • araw-araw
4. Pangngalang Tambalan: Binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa.
 a.) Tambalang Ganap - mga salitang pinagtambal na nagkakaroon ng ibang kahulugan sa mga salitang pinagsama.

halimbawa:
bahaghari
dalagangbukid
kapit-bahay

b.) Tambalang Di-ganap - mga salitang pinagtambal na taglay pa rin ang salita sa sariling kahulugan.

halimbawa:
awiting-bayan
balikbayan
alay-kapwa





PANGNGALAN AT URI NITO


Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari

Uring Pansemantika ng Pangngalan

    1.   ) Pantangi – pangngalang tumutukoy sa tangi o particular na tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari
                Halimbawa:
                                Baguio, Boracay, Bohol, Tagyatay

2  2.)      Pambalana – pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan
Ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.
                Halimbawa:
                Lungsod, baybayin, pook, bayan

Uri ng Pangngalan ayon sa Konsepto

11.)      Basal – pangngalang tumutukoy hindi sa material kundi sa diwa o kaisipan
                Halimbawa:
                Kagandahan, bui, kasamaan, pag-asa

22.)      Tahas- pangngalang tumutukoy sa bagay na material
                Halimbawa:
                Tao, hayop, pagkain, gamit, bulaklak

33.)      Palansak – tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay
                Halimbawa:
                Buwig, kumpol, tumpok, hukbo, lahi



PANGHALIP AT MGA URI NITO

Ang panghalip (Ingles: pronoun) ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit"

 MGA URI NG PANGHALIP

1. Panghalip Panao - Panghalip na humahalili lamang sa ngalan ng tao. 
 hal: 
  • siya
  • kame
  • kita  
  • ako,
  •  ko
2. Panghalip Pananong - Ang panghalip na pananong (mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong") ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun. Halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ang mga salitang ano, ano-ano, sino, sino-sino, nino, alin, at alin-alin.

3.  Panghalip Panaklaw - Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop") ay tinatawag na indefinite pronoun (literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi tiyak") sa Ingles. Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, at pawang.

4.  Panghalip na Pamatlig-  (Demonstrative Pronoun)
hal:
malapit sa nagsasalita:  ito, ire, niri, nito, ganito, ganire

malapit sa kinakausap: iyan niya ayan hayan diyan

malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon



Pandiwa at Aspekto nito 

Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigaybuhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Maaaring gumagamit ng isa o higit pang panlapi sa pagbuo ng salitang kilos na ito. Ang panlaping ginagamit sa mga pandiwa at tinatawag na panlaping makadiwa.

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kailan nangyari, nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang kilos.

1     1. Aspektong Naganap o Perpektibo – ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.
Halimabawa:
                Umalis Sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang negosyante.


Pawatas                                               Perpektibo
Umalis                                                  umalis
Magnegosyo                                      nagnegosyo
Bigyan                                                   binigyan

Aspektong Katatapos – nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at pag-uulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong perpektibo.
Halimbawa:

Pawatas                                               Katatapos
Magbigay                                            kabibigay
Mag-ayos                                            kaaayos
Mag-usap                                            kauusap


22. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – ito ay nagsasaad ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
Halimbawa:
                Pawatas                                               Imperpektibo
                Magpasalamat                                      nagpapasalamat
                Ipaalam                                                ipinapaaalam


33. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.
Halimbawa:

                Pawatas                                                               Kontemplatibo
                Mabunga                                                              magbubunga
                Kumita                                                                  kikita
                Kumilos                                                                 kikilos
( Pawatas (Infinitive). Mula sa root na watas, "diwa, una-wa, o kahulugan" at panlaping pa, ang pawatas ay literal na nangangahulugang patungo sa unawa o toward the meaning of. Kapag sinabi nating hindi kita mawatasan, ibig sabihi'y hindi kita maunawaan.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento