(Ang sumusunod na mga aralin ay
matatagpuan sa aklat na Pinagyamang Pluma 7)
1. Ang Alamat ng Palendag
2. Alamin Natin : Mga Elemento ng
Alamat (Tauhan)
3. Alamat ng Tandang
4. Alamin Natin: Mahahalagang Kaisipan
ng Alamat
5. Alamat ng Paruparo
6. Alamin Natin: Mahahalagang Elemento
ng Alamat
KAYARIAN NG PANGNGALAN
a. Payak- pangngalang binubuo ng salitang
–ugat lamang
Halimbawa: anak, bayan,
b. Maylapi- ito ay binubuo ng salitang-ugat at
panlapi
Halimbawa: magkapatid, kaarawan, kabuhayan
c. Tambalan- ito ay binubuo ng dalawang
salitang pinagsama upang makabuo ng isang salita.
2 Uri ng Tambalan
1. Malatambalan- kapag ang bawat isang
salitang-ugat na pinagtambal ay hindi nawawala ang kahulugan
Halimbawa:
balik-bayan
2. Tambalang
ganap- kapag
nawawala ang kahulugang ng mga salitang pinagtatambal
Halimbawa: bahaghari
d. Inuulit- kapag ang salita ay binubuo ng
pag-uulit ng salitang-ugat o bahagi nito at ng isa o higit pang panlapi
Halimbawa: anak-anakan, kababata
GAMIT NG PANGNGALAN
a. Bilang simuno ng pangungusap
Halimbawa:
Ang ina ay itinuturing na ilaw ng tahanan.
b. Bilang pantawag
Halimbawa:
Ina, maraming salamat pos a pagmamahal
ninyo.
c. Kaganapang pansimuno
Halimbawa:
Si CorazonAquino ay ina rin ng demokrasyang Pilipino.
d. Pangngalang pamuno
Halimbawa:
Si Corazon Aquino, isang ina ay naglingkod bilangpangulo ng
Pilipinas.
e. Layon ng pandiwa
Halimbawa:
Ang Diyos ay nagbigay ng ina upang may magmahal sa atin ng
lubos.
f. Layon ng pang-ukol
Halimbawa:
Para sa aking ina ang ginagawa kong pagsisikap sa pag-aaral.
KAUKULAN NG PANGNGALAN
a. Palagyo-
nasa kaukulang ito
ang pangngalan kung ito’y ginamit bilang simuno, pangngalang pamuno, pantawag,
at kaganapang pansimuno.
b. Palayon- nasa kaukulang ito ang pangngalan
kung ito’y ginamit na layon ng pandiwa o layon ng pang-ukol.
c. Paari- ito ang kaukulan ng pangngalan kung
may dalawang pangngalang magkasunod at ang ikalawa ay nagsasaad ng
pagmamay-ari.
PANGHALIP PANAO: PANAUHAN, KAILANAN
AT KAUKULAN
Ø
Ang
panghalip panao ay inihahalili sa
ngalan ng tao.
Panauhan ng Panghalip Panao
a. Unang
Panauhan- ang panghalip ay humahalili sa taong
nagsasalita.
Halimbawa: ako,ko, akin, kami, tayo, naming,
natin, atin
b. Ikalawang
Panauhan- ang
panghalip ay humahalili sa taong kinakausap.
Halimbawa: ikaw, ka,mo, iyo, kayo, ninyo, inyo
c. Ikatlong
Panauhan- ang
panghalip ay humahalili sa taong pinag-uusapan.
Halimbawa: siya, kanya,niya, sila,kanila,nila
Kailanan ng Panghalip Panao
a. Isahan halimbawa: ako, ikaw, siya
b. Dalawahan halimbawa: kita, kata
c. Maramihan
halimbawa: tayo,kami, kayo, sila
Kaukulan ng Panghalip
a. Palagyo- ang kaukulan ng panghalip kung ito
ay ginamit bilang simuno at kaganapang pansimuno
Halimbawa: ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo, sila
b. Paukol
o Palayon – ang
kaukulan ng panghalip kung ito ay ginamit bilang layon ng pandiwaatlayon ng
pang-ukol
Halimbawa: ko, ka, mo, siya, namin, ninyo, sila
c. Paari- ang kaukulan ng panghalip kung ito
ay nagsasaad ng pagmamay-ari
Halimbawa: akin, iyo, kanya,niya, natin,atin,
inyo, kanila,nila
|
Palagyo
|
Palayon
|
Paari
|
Isahan
|
|||
Una
Ikalawa
Ikatlo
|
ako
ikaw
siya
|
ko
ka,
mo
siya
|
akin
iyo
kanya,
niya
|
Maramihan
|
|||
Una
Ikalawa
Ikatlo
|
kami,
tayo
kayo
sila
|
namin
ninyo
sila
|
natin,
atin
inyo
kanila,
nila
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento